--Ads--
Pinatawan ng Estados Unidos ng 12.5% taripa ang ilang produktong iniluluwas ng Pilipinas matapos umanong mabigo ang bansa na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa mga produktong gawa sa sapilitang paggawa o forced labor.
Ayon sa Office of the United States Trade Representative (USTR), kasama ang Pilipinas sa 41 ekonomiyang sakop ng bagong taripa na ipinatupad sa ilalim ng direktiba ni US President Donald Trump.
Gayunman, hindi apektado ng bagong taripa ang ilan sa pangunahing export products ng bansa kabilang ang semiconductors, niyog, pinya, saging, at nickel ores.
Bilang tugon, bumuo ang pamahalaan ng isang interagency committee upang palakasin ang kampanya laban sa mga produktong may kaugnayan sa forced labor.
--Ads--











