--Ads--
Nagiging problema sa ilang bahagi ng pampublikong pamilihan sa Cauayan City ang pagbaha at masangsang na amoy tuwing umuulan, na nakaaapekto sa mga tindera at mamimili.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pablito Quinagoran, vendor, sinabi nitong mabilis na naiipon ang tubig sa kanilang lugar ng pagtitinda, dahilan upang mahirapan ang mga mamimili at mabawasan ang kanilang mga bumibili.
Bukod sa baha, umaalingasaw din umano ang amoy na nagmumula sa naiipong maruming tubig at basura.
Dahil dito, nanawagan ang mga vendor at mamimili sa mga kinauukulan na agarang ayusin ang drainage system upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbaha at mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa palengke.
--Ads--











