--Ads--

Tumanggi si Senador Rodante Marcoleta na magpasok ng plea sa kasong paglabag sa Presidential Decree 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng mga regalo o donasyon, sa kanyang pagharap sa Sandiganbayan ngayong Lunes.

Ayon sa kampo ng senador, may nakabinbin pa silang mga mosyon sa Korte Suprema. Dahil dito, ang Sandiganbayan First Division na ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa kanya.

Kaugnay ang kaso sa bahagi ng umano’y P75 milyong hindi idineklarang donasyon na natanggap ni Marcoleta bago ang 2025 midterm elections, kung saan tumakbo siya bilang senador.

Iginiit ng mga state prosecutors na hindi umano nararapat na tumanggap ng naturang donasyon si Marcoleta bilang isang opisyal ng pamahalaan. Sinabi rin ng Office of the Ombudsman na nabayaran lamang ang kaukulang buwis sa donasyon noong Disyembre 2025, halos 11 buwan matapos itong matanggap.

--Ads--

Samantala, naninindigan si Marcoleta na wala siyang nilabag at iginiit na may bahid ng pulitika ang mga isinampang kaso laban sa kanya.