--Ads--

Hiniling ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan na bawiin ang kanyang 90-day preventive suspension bilang miyembro ng House of Representatives sa kabila ng nakabinbing kasong plunder laban sa kanya.

Nahaharap sa kasong pandarambong si Romualdez kaugnay ng umano’y ₱7.44 bilyong kickback mula sa mga proyekto sa imprastraktura ng gobyerno na pinondohan ng national budget mula 2022 hanggang 2025.

Sa motion for reconsideration na inihain ng kampo ng dating House Speaker, hiniling nito sa korte na isantabi o pawalang-bisa ang resolusyon nito noong Nobyembre 10, na nag-aatas sa kanya na itigil ang pagganap sa mga tungkulin ng kanyang opisina o anumang iba pang posisyon sa gobyerno.

Ikinatwiran ng mga abogado ni Romualdez na nagkamali ang korte nang panindigan nitong balido ang kasong isinampa laban sa dating House Speaker, na naglalaman ng mga alegasyon laban sa kanya.

--Ads--

Kasalukuyang nakakulong si Romualdez sa New Quezon City Jail-Male Dormitory ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas.