--Ads--

Umabante sa Round 3 ng WTA 1000 National Bank Open sa Toronto si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin ang Amerikanang si Alycia Parks sa tatlong set, 6-1, 4-6, 6-2.

Nabawi ni Eala ang naunang pagkatalo kay Parks sa Australian Open, kung saan natalo siya sa iskor na 6-0, 3-6, 2-6.

Sa susunod na round, makakaharap ni Eala ang isa pang Amerikana na si Caty McNally, na nagpatalsik sa Wimbledon champion at world No. 7 na si Linda Noskova sa iskor na 7-6 (7-5), 6-1.