--Ads--

Lumagda ang mga lider ng Saudi Arabia, Turkiye at Pakistan sa isang mutual defense pact kung saan napagkasunduan na ituturing na pag-atake sa kanilang tatlong bansa ang anumang armadong pag-atake laban sa alinman sa kanila.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Iranian President Masoud Pezeshkian na hindi naghahangad ng digmaan o pagpapalawak ng teritoryo ang Iran, ngunit hindi rin ito magpapasakop sa anumang uri ng pamimilit sa gitna ng umiiral na tensiyon sa rehiyon.

Samantala, inanunsyo ng United States Central Command (CENTCOM) na mula nang ipagpatuloy nito ang naval blockade laban sa Iran noong Hulyo 14, nailihis na nito ang ruta ng 51 merchant ships, napinsala ang dalawa at na-inspeksyon ang dalawa pang sasakyang-pandagat.

Patuloy na binabantayan ng mga bansa sa rehiyon at ng international community ang mga kaganapan dahil sa pangambang lalo pang lumala ang tensiyon sa Gitnang Silangan.

--Ads--