--Ads--

Patay ang isang Nepali worker habang ilang iba pa ang nasugatan matapos tamaan ng aerial projectile ang isang oil refinery sa Jazan City, Saudi Arabia.

Nagdulot ng sunog ang pag-atake noong Huwebes at pansamantalang itinigil ang ilang operasyon sa pasilidad.

Ayon sa Saudi Ministry of Energy, rumesponde ang mga emergency personnel at technical team upang suriin ang pinsala at tiyakin ang kaligtasan ng refinery.

Inakusahan ng Saudi-led military coalition ang grupong Houthi sa likod ng pag-atake, kasunod ng sunod-sunod na pag-atake sa mahahalagang pasilidad ng langis at mga daungan sa Saudi Arabia.

--Ads--

Wala pang pahayag ang Houthi kaugnay sa insidente.