--Ads--

Labing-isang katao ang nasugatan matapos muling atakehin ang pinakamataas na gusali sa Riyadh, kabisera ng Saudi Arabia, nitong Martes.

Ayon sa Saudi Civil Defence, tinamaan ang 80-palapag na Public Investment Fund (PIF) Tower na matatagpuan sa King Abdullah Financial District. Kabilang sa mga nasugatan ang mga mamamayang Indian, Nepali, Egyptian at Saudi, habang dalawa ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa matinding paso.

Kinondena naman ng koalisyong pinamumunuan ng Saudi Arabia ang insidente at tinawag itong isang “teroristang pag-atake,” na iniuugnay sa grupong Houthi.

Ito na ang ikalawang pag-atake sa naturang gusali sa loob lamang ng ilang araw. Tinamaan din ito noong nakaraang araw na nagdulot ng pinsala sa ilang palapag at mga katabing gusali.

--Ads--