--Ads--
Bahagyang bumaba ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas noong Hulyo matapos gamitin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bahagi ng reserbang dolyar upang suportahan ang piso at dahil sa pagbabayad ng pamahalaan sa mga obligasyong panlabas.
Batay sa datos ng BSP, umabot sa $103.378 bilyon ang GIR noong Hulyo, mas mababa kumpara sa $104.744 bilyon noong Hunyo at $105.418 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa BSP, ang pagbaba ng reserba ay bunsod ng foreign exchange operations ng sentral na bangko, gayundin ng pag-withdraw ng pambansang pamahalaan sa mga foreign currency deposit nito para sa pagbabayad ng utang sa ibang bansa.










