Arestado ng mga operatiba ng Reina Mercedes Municipal Police Station ang isang 23-anyos na Most Wanted Person (MWP) na nahaharap sa kasong Statutory Rape sa isinagawang operasyon noong Agosto 15, 2026 sa Barangay Dangan, Reina Mercedes.
Kinilala ang akusado sa alyas na “Lucas,” isang may-asawa at laborer na residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Isabela Police Provincial Office, naisilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu noong Hulyo 30, 2026 kaugnay ng kasong Statutory Rape. Nakasaad sa warrant na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, dinala si “Lucas” sa Reina Mercedes MPS para sa dokumentasyon at iba pang kaukulang legal na proseso bago ang turnover sa korte na naglabas ng warrant.
Ang operasyon ay bahagi ng kampanya ng na palakasin ang law enforcement operations at tiyaking naipatutupad ang mga warrant of arrest laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso.











