--Ads--

Matagumpay na naaresto ang isang Most Wanted Person sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng kasong Acts of Lasciviousness, noong Oktubre 17, 2026, sa Barangay Santisima Amana, Pandi, Bulacan.

Kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Norman”, 56 taong gulang, may asawa, isang tricycle driver, at residente ng Barangay Quezon, Naguilian, Isabela.

Ang warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansang PHP36,000 para sa bawat kaso.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng magkasanib na puwersa ng Naguilian MPS bilang lead unit katuwang ang Pandi Police Station, sa tulong ng target intelligence packet na inihanda para sa nasabing wanted person. Ang warrant ay nakatala rin sa E-Warrant System.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Naguilian Police Station ang akusado bago ang kanyang paglilipat sa hukuman na naglabas ng warrant.