--Ads--

Arestado ang isang 47-anyos na negosyante na kabilang sa listahan ng Most Wanted Person (MWP) ng pulisya dahil sa dalawang bilang ng kasong Estafa sa isinagawang operasyon sa Barangay Victoria, Alicia, Isabela, dakong alas-9:00 ng umaga nitong Oktubre 13.

Ang naaresto ay may-asawa at residente ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Manhunt Tracker Team ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng IPPO, Alicia Municipal Police Station at 205th Regional Mobile Force Battalion 2.

Batay sa inilabas na warrant of arrest noong Setyembre 14, 2026, may inirekomendang piyansang ₱120,000 at ₱72,000 para sa dalawang bilang ng kasong kinahaharap ng suspek.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station ang naarestong suspek habang hinihintay ang paglilipat sa korte na naglabas ng warrant para sa kaukulang proseso ng batas.