--Ads--

Madaling nakausad si Alex Eala sa Round of 32 ng Cincinnati Open matapos magwagi sa pamamagitan ng walkover laban kay Elena-Gabriela Ruse ng Romania, 6-1, 3-0, sa kanilang laban na naantala dahil sa masamang panahon.

Kontrolado na ni Eala ang laban matapos manalo sa siyam na magkakasunod na laro at makuha ang unang set, 6-1. Nakalamang pa siya ng 3-0 sa ikalawang set bago itigil ang laro dahil sa lightning suspension.

Bago ang pagkaantala ng laban, humingi ng medical timeout si Ruse dahil sa iniindang pinsala sa paa. Kalaunan ay tuluyan na itong umatras sa torneo dahilan upang maitala ang panalo ni Eala sa pamamagitan ng walkover.

Sa panalo, nakabawi si Eala kay Ruse na tumalo sa kanya noong 2024 US Open Qualifiers. Bilang ika-17 seed ng torneo, direkta nang nakalusot sa unang round ang Filipina tennis star at nakatakdang harapin sa susunod na yugto ang mananalo sa pagitan nina Zeynep Sonmez at Amanda Anisimova.

--Ads--