--Ads--

Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-atake kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at mga kasama nito sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nanawagan ang Pangulo sa lahat na manatiling kalmado at pairalin ang paggalang sa karapatang pantao, lalo na sa buhay ng bawat Pilipino.

Iniutos din ni Marcos sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang seguridad sa mga komunidad sa Bangsamoro region at magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng pag-atake.

Sa kabila ng insidente, tiniyak ng Pangulo na hindi ito makapipigil sa layunin ng pamahalaan na maisulong ang maayos na transisyon tungo sa demokratikong pamamahala sa Bangsamoro.

--Ads--

Samantala, nagsasagawa na ng manhunt operations ang militar at Philippine National Police laban sa mga salarin upang maaresto at mapanagot sa batas.

Nakaalerto na rin ang mga tauhan ng militar sa Maguindanao del Norte kasunod ng pananambang kay Macacua.