--Ads--
Patay ang dalawang sundalo matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Davao-Cotabato National Highway, Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte bandang alas-6:10 ng gabi nitong Setyembre 23.
Sakay umano ng motorsiklo ang dalawang biktima nang sundan at pagbabarilin ng mga suspek na sakay naman ng isang puting Yamaha NMAX.
Tatlong basyo ng bala na hinihinalang mula sa .45 caliber pistol ang narekober ng mga awtoridad sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at malaman ang motibo sa pamamaril.
--Ads--











