Nagbabala ang Malacañang laban sa umano’y pagbabayad sa mga indibidwal kapalit ng paggawa ng maling paratang, dahil maaari itong makasira sa sistema ng hustisya at magdulot ng kalituhan sa publiko.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa ikinababahala ng pamahalaan ang iniulat na pagbawi ni Orly Guteza sa mga nauna nitong alegasyon laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at dating kongresista Elizaldy “Zaldy” Co.
Giit ni Castro, kailangan ng mga imbestigador ang totoong salaysay at ebidensya upang maging epektibo ang kanilang mga imbestigasyon.
Sinabi rin niyang hindi sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga gawa-gawang ebidensya at hinimok ang publiko na huwag magpapadala sa pera kapalit ng maling testimonya.










