--Ads--

Nagpaabot ng mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes bilang paggunita sa ika-43 anibersaryo ng pagkamatay ni dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ayon sa Pangulo, nagsisilbing paalala ang buhay at sakripisyo ni Ninoy sa tapang ng mga Pilipinong naninindigan sa kanilang mga paniniwala at nakikibahagi sa pagsusulong ng demokrasya.

Binigyang-diin ni Marcos Jr. na mahalagang balikan ang nakaraan upang mapangalagaan ang kalayaan, mapatatag ang mga institusyon at mapalakas ang pagkakaisa ng mga Pilipino.

Sinabi rin niyang kabilang sa mga hamon sa demokrasya ngayon ang disinformation, pagkakahati-hati, kawalan ng tiwala at kawalang-interes sa mga usaping panlipunan.

--Ads--

Hinimok ng Pangulo ang publiko na isabuhay ang mga aral ng kasaysayan at magkaisa sa pagtataguyod ng karapatan, kalayaan at kapakanan ng bansa.