--Ads--

Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng public at private elementary at secondary schools sa bansa na magsagawa ng sabayang safety drill para sa active attack incidents sa Agosto 25, alas-9 ng umaga.

Batay sa memorandum na may petsang Agosto 12, inaatasan ang mga paaralan na gamitin ang kanilang localized contingency plans para sa active attack scenarios.

Ayon sa DepEd, may mga designated ceremonial venues sa bawat rehiyon, ngunit mahigpit ding hinihikayat ang lahat ng paaralan na magsagawa ng sariling drills sa nasabing araw o sa isang adjusted schedule.

Ang direktiba ay kasunod ng lumalaking pangamba ng publiko sa kaligtasan ng mga mag-aaral, matapos ang ilang insidente ng karahasan sa loob ng mga eskwelahan.

--Ads--

Tiniyak ng DepEd na patuloy nilang pinalalakas ang kahandaan ng mga paaralan sa pamamagitan ng school contingency planning at emergency response measures.