Nanindigan si Senate President Win Gatchalian na isusulong niya ang paglalaan ng pondo para sa mga bagong posisyon ng guro sa Department of Education o DepEd.
Sa kasalukuyang panukalang 2027 National Expenditure Program, walang nakalaang pondo para sa bagong teacher positions.
Humihiling ang DepEd ng ₱4.29 bilyon para makapag-hire ng 14,274 bagong guro upang matugunan ang pangangailangan ng mga paaralan.
Bagama’t may ₱31.22 bilyon pang magagamit para punan ang mahigit 64,000 kasalukuyang bakanteng posisyon, sinabi ni Gatchalian na kailangan pa ring dagdagan ang bilang ng mga guro.
Ayon sa senador, mahalaga ang sapat na bilang ng mga guro upang matiyak ang kalidad ng pagkatuto ng mga estudyante.
Batay sa PISA 2025, 19% ng mga Pilipinong mag-aaral ang nasa mga paaralang iniulat na nahahadlangan ang pagtuturo dahil sa kakulangan ng mga guro.










