--Ads--

Isinusulong ni Education Secretary Sonny Angara ang pagbuo ng interagency task force na susuri sa mga kakulangan sa seguridad ng mga paaralan at tutugon sa mental health concerns ng mga estudyante kasunod ng panibagong pamamaril sa isang paaralan sa South Cotabato.

Pagsasamahin ng task force ang Department of Education, Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government upang suriin ang mga hakbang sa seguridad at pagtugon sa mga banta sa mga paaralan.

Kabilang sa susuriin ang physical access control, threat reporting, emergency response at koordinasyon ng mga paaralan sa mga awtoridad.

Ayon kay Angara, kailangang palakasin ang mga security measures dahil hindi sapat ang kasalukuyang paghahanda ng mga paaralan para sa ganitong insidente.

--Ads--

Samantala, sinabi ng DepEd na makatutulong ang pagsusuri sa pagbuo ng operational framework na gagamitin ng mga paaralan sa pagtugon sa mga emergency at krisis.