--Ads--

Pinag-aaralan ng Philippine National Police o PNP ang pagpapalawak ng isang technology-driven alert at response system upang mapabilis ang pag-uulat at pagtugon sa mga banta sa seguridad sa mga paaralan.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., tinitingnan ng ahensya ang institutionalization ng B.E.S.T. School Alert and Rapid Response System na unang binuo sa CALABARZON.

Layunin ng sistema na mapabilis ang pagre-report, pagbabahagi ng impormasyon at koordinasyon sa pagitan ng pulisya, mga paaralan at iba pang lokal na stakeholder tuwing may emergency o security incident.

Sinabi ni Nartatez na makatutulong ang sistema sa mas mabilis na pagtukoy at pagtugon sa mga banta sa loob ng mga paaralan.

--Ads--

Kasunod ito ng mga pangamba sa seguridad matapos ang tatlong insidente ng school shooting at iba pang kaso ng karahasan sa mga paaralan ngayong taon.