Apat hanggang pitong bagyo pa ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.
Ito ang pagtaya ni Ms. Liza Solis, Assistant Weather Services Chief ng Climatology and Agrometeorology Department ng PAGASA, kaugnay ng mga inaasahang weather disturbance.
Sa Setyembre, wala pang nakikitang magla-landfall na bagyo. Sa loob ng pitong inaasahang papasok, may posibilidad na maging Super Typhoon ang ilan.
Inaasahan na mas malakas ang mga bagyo sa Setyembre at Oktubre dahil sa El Niño.
Sinabi ni Solis na papasok ang El Niño sa katapusan ng taon, dahilan upang mas lumakas ang mga bagyo. Inihalimbawa niya ang taong 2023, kung saan pito sa 11 bagyo ay naging Super Typhoon.
Sa summer season ng 2027, inaasahang magiging matindi ang init dahil sa El Niño, na magdudulot ng kakaunting ulan. Pinayuhan ang publiko na maghanda at mag-ingat.











