Humihingi na ng tulong mula sa ibang bansa ang Nepal para sa mga specialized at technical na pangangailangan nito kasunod ng mapaminsalang pagbaha sa hangganan nito sa Tibet, China.
Ayon kay Nepal Foreign Minister Shisir Khanal, hindi kailangan ng Nepal ang karagdagang foreign assistance para sa general search and rescue dahil kaya itong isagawa ng kanilang sariling rescuers.
Sa halip, kailangan ng pamahalaan ang specialized expertise para sa pagligtas sa mga taong na-trap sa mga tunnel, pagbubukas ng mga nasirang transportasyon at communication lines, pagkilala sa mga labi ng mga nasawi, DNA testing at mas matagal na pag-iimbak ng mga katawan ng mga biktima.
Matatandaang isang glacier collapse ang nagpakawala ng napakalaking agos ng bato, yelo, putik at debris sa mga ilog sa Himalayas na nagdulot ng matinding pinsala sa Nepal at Tibet.
Halos 600 katao na ang nasawi, habang mahigit 2,000 pa ang hindi pa natutukoy ang kinaroroonan.
Humingi rin ang Nepal ng Bailey bridges mula sa India at China upang agad na maibalik ang transportasyon at komunikasyon sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, matapos masira ang tinatayang dalawang dosenang tulay.










