--Ads--
Posibleng umakyat sa 6.5 % ang inflation rate sa Pilipinas ngayong Agosto, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain at produktong petrolyo.
Sa forecast ng BSP, maaaring nasa 5.5 hanggang 6.5 % ang inflation ngayong buwan, mas mataas sa 6.2 % na naitala noong Hulyo.
Inaasahang pangunahing magtutulak sa pagtaas ng presyo ang bigas, gulay, prutas at isda dahil sa epekto ng masamang panahon, gayundin ang mataas na presyo ng domestic fuel.
Gayunman, maaari itong mapabagal ng mas mababang presyo ng karne at kuryente, pati na rin ng paglakas ng piso.
--Ads--










