--Ads--

Naitala ang pagtaas sa foreign currency loans ng mga bangko sa Pilipinas noong ikalawang quarter ng taon dahil sa mas aktibong pangungutang ng mga kumpanyang nagluluwas ng produkto para pondohan ang kanilang operasyon at expansion plans.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat ng 5.6 porsyento ang foreign currency deposit unit o FCDU loans sa $16.31 bilyon noong Hunyo, mula sa $15.44 bilyon noong unang quarter.

Ayon sa BSP, pangunahing nagtulak sa pagtaas ang mas mataas na pangangailangan sa pautang ng mga export-oriented businesses at iba pang kaugnay na sektor.

Pinakamalaking bahagi ng pautang ng mga kumpanyang residente sa bansa ay mula sa mga negosyo sa transportasyon at kaugnay na serbisyo na umabot sa $3.07 bilyon, habang sumunod ang mga exporter ng produkto at serbisyo na may $2.85 bilyon at mga kompanya ng power generation na may $1.86 bilyon.

--Ads--

Samantala, umabot naman sa $60.11 bilyon ang kabuuang foreign currency deposits sa mga lokal na bangko sa pagtatapos ng Hunyo.