Nababahala ang mga tagahanga ng Grammy-winning singer na si Lionel Richie, 77, matapos itong maiulat na isinugod sa ospital sa St. Louis, Missouri at nakaratay umano sa ICU.
Nagtanghal si Richie sa The Muny noong Agosto 29, kung saan napansin ng ilang concertgoers na nahihirapan siyang kumilos at humingi pa ng silya bago kantahin ang “All Night Long.”
Matapos ang concert, nagtungo siya sa ospital at posibleng dehydration umano ang sanhi ng kanyang panghihina. Wala pang opisyal na pahayag ang kanyang kampo, ngunit ayon sa isang source na malapit sa singer, “okay” naman ang kanyang kondisyon.
Nauna nang nakaranas ng pagkahilo si Richie noong Hunyo habang nagtatanghal sa Minnesota, dahilan para pansamantalang maupo siya sa entablado.
Samantala, bumuhos ang mga mensahe ng pag-aalala at panalangin mula sa kanyang fans, ilang araw matapos pumanaw ang music icon na si Dolly Parton noong Agosto 25. Isa si Richie sa nagbigay-pugay kay Parton at nagsabing mananatili ang kanyang liwanag at musika magpakailanman.







