Ikinadismaya ng Federation of Free Farmers (FFF) ang ipinanukalang pondo para sa sektor ng agrikultura sa ilalim ng 2027 National Budget.
Batay sa panukalang pondo ng Department of Agriculture (DA), humihiling ang ahensya ng P198.45 bilyong budget para sa 2027, na mas mababa ng P17.25 bilyon o 8% kumpara sa P215.69 bilyong naaprubahang budget nito noong 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chairman of the Board Leonardo Montemayor, sinabi nito na sa kabila ng napakaraming hamon na kinahaharap ng sector ng agrikultura Lalo na sa epekto ng El Niño, umaasa siya na kahit papaano ay madaragdagan ang pondo ng kanilang sektor para sa susunod na taon. Subalit sa halip na dagdagan, ay binawasan pa ito.
Aniya, malaking kawalan ang nasa ₱17 billion na itinapyas sa kanilang pondo Lalo na at Malaki ang naitalang pinsala sa sector ng agrikultura dahil sa mga kalamidad na tumama sa bansa ngayong taon kaya nararapat lamang sana na maglabas ang pamahalaan ng malaking pondo para sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka pangunahin na ang mga naapektuhan ng tagtuyot at mga bagyo.
Para sa 2027 budget, mahalaga aniyang pagtuunan ng pansin pagsasaayos sa mga irrigation canals, paggawa ng mga water impounding structures, installation ng mas maraming solar-powered irrigation systems, at pagpapalakas ng crop insurance services na tiyak na makatutulong nang husto sa mga magsasaka.











