--Ads--

Nananatiling maayos ang peace and order situation sa bayan ng San Agustin, Isabela, ayon sa Philippine National Police.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Ranilo Bumagat, Chief of Police ng San Agustin, Isabela, sinabi nito na kadalasan ay mga vehicular accidents lamang ang naitatala sa kanilang nasasakupan, na aniya ay paisa-isa lang naman.

Bilang interbensyon, naglagay umano sila ng karagdagang signages sa mga accident-prone areas katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang babala sa mga motorista.

Maliban dito, ay mahigpit din nilang ipinatutupad ang mga umiiral na batas-trapiko sa bayan ng San Agustin.

--Ads--

Samantala, bagama’t matagal nang naideklara bilang drug-cleared ang bayan ng San Agustin ay patuloy pa rin ang ginagawa nilang hakbang upang mapanatili ito.

Aniya, nagsasagawa sila ng pagpupulong sa mga barangay at lectures sa mga paaraalan bilang bahagi ng kanilang drug-awareness campaign.

Pagdating naman sa kaligtasan ang mga mag-aaral, nakikiupag-ugnayan aniya sila sa mga school heads sa kanilang nasasakupan para sa pagbabantay at monitoring ng mga kapulisan sa mga paaralan.