--Ads--
Magpapatupad ang Department of Budget and Management o DBM ng bagong sistema para mapabilis ang pagproseso at pag-release ng salary deficiencies ng mga government employees, kabilang ang mga public school teacher.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi na kakailanganin ang hiwalay na funding request para sa salary adjustments sa ilalim ng bagong sistema.
Kapag na-update ng isang ahensya ang plantilla master list at may nakitang salary deficiency, agad itong matutukoy ng DBM para mailabas ang kinakailangang pondo.
Target ng DBM na isagawa ang live testing ng sistema sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa fourth quarter ng 2026.
--Ads--











