--Ads--
Umabot sa 6% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Hulyo 2026, pinakamataas na antas nito mula nang maitala ang 6.03% noong Hunyo 2022, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng 3.14 milyong Pilipinong walang trabaho, pinakamataas na bilang mula noong Disyembre 2021 kung kailan umabot sa 3.28 milyon ang unemployed.
Ayon sa PSA, kapwa ang unemployment rate at bilang ng mga walang trabaho noong Hulyo ay nasa antas na huling nakita sa mga huling buwan ng COVID-19 pandemic.











