Bumagsak ng 5% ang halaga ng produksyon sa agrikultura at pangisdaan sa third quarter ng 2026, bunsod ng paghina ng produksyon ng palay, mais at iba pang pananim, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa PSA, umabot lamang sa ₱389.42 bilyon ang halaga ng produksyon, mas mababa kumpara sa ₱408.94 bilyon noong kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Bumagsak ng 9.3% ang crop production, kabilang ang palay na bumaba ng 17.8% at mais na 17.4%.
Kabilang sa mga dahilan ng paghina ang pabagu-bagong panahon, pagbaha at pagtaas ng presyo ng fuel at fertilizer.
Samantala, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inaasahang makatutulong sa pagbangon ng sektor ang paglago ng livestock at poultry production, habang naghahanda ang pamahalaan sa posibleng epekto ng El Niño.











