--Ads--

Mula sa pagiging fangirl, itinuring ni Barbie Forteza na isang malaking learning experience ang pakatrabaho kay Sharon Cuneta sa kanilang upcoming series.

Aminado si Forteza na na-starstruck siya sa Megastar noong una, kaya naging hamon para sa kanya ang pagsabayin ang paghanga at pagiging propesyonal sa trabaho.

Gayunman, sinabi niyang naging komportable siya agad dahil sa pagiging collaborative, humble at generous ni Cuneta.

Samantala, pinuri naman ni Cuneta ang paghahanda ni Forteza at tinawag itong kanilang “walking script” dahil kabisado nito ang mga linya at nakatutulong kapag may nakakalimot ng dialogue.

--Ads--

Ayon kay Forteza, bawat araw sa set kasama si Cuneta ay parang pagdalo sa isang masterclass kung saan nasa front row seat siya upang matuto.