--Ads--

Ibinasura ng Taguig City Prosecutor’s Office ang perjury complaint ni Vice President Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga, matapos makita ng prosekusyon na walang prima facie evidence na may reasonable certainty of conviction laban sa respondent.

Si Madriaga ay nagpakilalang dating aide at self-confessed “bagman” ni Duterte na naglahad ng mga alegasyon laban sa bise presidente kaugnay ng umano’y financial at political operations.

Dalawang perjury complaint ang inihain ni Duterte laban kay Madriaga. Ang unang reklamo ay inihain noong Marso 4 at nakabatay sa mga pahayag nito tungkol sa umano’y illegal campaign funding, kabilang ang alegasyon na may mga drug dealer at Chinese-sponsored Philippine offshore gaming operators na nagpondo sa kampanya ni Duterte.

Noong Agosto 17 naman, naghain si Duterte ng ikalawang perjury complaint kaugnay ng supplemental affidavit ni Madriaga na isinumite noong Abril 11. Inakusahan siya ng kampo ng bise presidente ng paggawa ng mga maling pahayag sa ilalim ng panunumpa.

--Ads--

Samantala, hindi na isasama ng House prosecution panel si Madriaga bilang testigo sa impeachment trial ni Duterte, matapos sabihin ng prosecution na sapat na ang mga naunang ebidensyang iniharap nito upang suportahan ang mga alegasyon sa impeachment case.Itinanggi naman ni Duterte ang mga alegasyon ni Madriaga.