Hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte na ibalik ang pagpapatupad ng Rule 18 o sub judice rule ng Senate Impeachment Court, na nagbabawal sa publiko at media na talakayin ang merito ng impeachment case.
Ayon kay Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, nakasaad ang kahilingan sa manifestation na inihain ng defense team ni Duterte noong Nobyembre 4.
Layunin umano nitong mapangalagaan ang integridad ng impeachment proceedings at ang constitutional rights ng bise presidente. Iginiit din ng kampo na hindi interesado si Duterte sa trial by publicity.
Matatandaang noong Oktubre 13, binawi ng House prosecution panel ang tatlong articles of impeachment sa huling araw ng kanilang presentasyon.
Kasunod nito, inalis ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero ang sub judice rule, kaya nabigyan ng kalayaan ang prosekusyon at depensa na talakayin sa labas ng impeachment court ang mga binawing articles of impeachment.











