--Ads--

Pumanaw na sa edad na 83 ang beteranong sports journalist na si Ricardo “Recah” Trinidad.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Nice ang pagpanaw ni Trinidad nitong Linggo, Setyembre 13. Ayon sa kanya, pumanaw ang kanyang ama habang natutulog bandang alas-6 ng umaga.

Nakaranas si Trinidad ng heart attack noong Hunyo bago siya pumanaw.

Ilang dekada niyang inilaan ang kanyang karera sa sports journalism, kung saan nakilala siya sa kanyang mga kuwento at kontribusyon sa larangan ng palakasan.

--Ads--

Ang anak niyang si Chino Trinidad, na isa ring mamamahayag, ay pumanaw naman noong 2024.

Inaasahang iaanunsyo sa lalong madaling panahon ang detalye ng kanyang burol.