--Ads--

Muling nabawi ng Irishman na si Eamonn Keaveney ang Guinness World Record para sa “longest barefoot journey” matapos maglakad nang walang sapatos ng mahigit 6,800 kilometro mula Istanbul, Turkey hanggang Ireland.

Sa loob ng 369 araw, nilakbay ni Keaveney ang 6,805.83 kilometro bago makarating sa Clare­morris, County Mayo noong Marso 7, halos doble sa dating record na 3,409.75 kilometro.

Hindi na bago kay Keaveney ang ganitong record matapos niyang maitala ang unang barefoot journey record noong 2016 at pinakamabilis na pagtawid sa Ireland gamit ang unicycle noong 2023.

Sa kanyang paglalakbay, nakaranas siya ng pagdurugo at pagkasugat sa talampakan, pagtusok ng tinik at bubog, impeksiyon, matinding init at malamig na panahon.

--Ads--

Dumaan ang kanyang ruta sa siyam na bansa bago tuluyang makarating sa Ireland.