--Ads--
Apat na katao ang nasugatan matapos ang malalakas na pagsabog sa isang weapons depot ng Syrian army sa hilagang Syria ngayong Lunes.
Ayon sa state-run SANA news agency, nangyari ang insidente madaling araw sa isang military site malapit sa bayan ng al-Eis, timog ng Aleppo.
Hindi pa malinaw ang sanhi ng mga pagsabog, habang sinabi ng civil defense na nailikas na ang apat na sugatan mula sa lugar.
Sinabi naman ng mga awtoridad na sinundan ng serye ng mga pagsabog ang unang malakas na pagsabog, na narinig ilang kilometro mula sa lugar.
--Ads--
Dahil dito, isinara ang mga kalsadang patungo sa site at hinikayat ang mga residente na manatili muna sa kanilang mga tahanan habang naka-alerto ang mga ospital, ambulansya at emergency teams.











