--Ads--
Timbog ang isang 23-anyos na lalaki matapos pagsilbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Luna Municipal Police Station sa Barangay San Miguel, Luna, Isabela dakong alas-2 ng hapon nitong Setyembre 21.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Roel,” walang trabaho at residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ng Tracker Team ng Luna MPS ang operasyon sa pamamagitan ng Enhanced E-Warrant System kaugnay ng kasong Statutory Rape.
Batay sa inilabas na warrant of arrest, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
--Ads--
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Luna Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ito dalhin sa korte na nagpalabas ng warrant.










