Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi nitong Setyembre 17 sa Barangay Poblacion Sur, Maddela, Quirino, kaugnay ng kasong statutory rape.
Nakilala ang akusado sa alyas na “KJ,” binata at residente ng Barangay Leuteboro, Socorro, Oriental Mindoro.
Isinagawa ang operasyon ng tracker team ng Maddela Police Station at Quirino Provincial Intelligence Unit o QPIU.
Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 38 ng Maddela, Quirino, Second Judicial Region.
Ipinaalam sa akusado ang kaniyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at isinagawa ang pag-aresto alinsunod sa umiiral na legal na proseso.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Maddela Police Station si alyas “KJ” para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa korte na nagpalabas ng warrant.











