--Ads--

Ikinagulat ng maraming tagasuporta ang pag-amin ng two-time Olympic at Asian Games gold medalist na si Carlos Yulo na engaged na siya sa longtime girlfriend na si Chloe San Jose matapos ilihim sa publiko ang kanilang engagement sa loob ng siyam na buwan.

Sa magkahiwalay na social media posts, ibinahagi ng dalawa na naganap ang proposal noong Disyembre 18, 2025 sa isang pribadong okasyon na may dekorasyong kandila at mga bulaklak. Agad namang tinanggap ni Chloe ang alok na kasal ng Filipino gymnastics star.

Ayon kay Yulo, dalawang engagement rings ang kanyang ibinigay kay Chloe bilang simbolo ng dalawang gintong medalya na kanyang napanalunan at bilang pasasalamat sa patuloy na suporta nito sa kanyang karera.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Yulo na itinuturing niyang malaking biyaya ang pagkakaroon ni Chloe sa kanyang buhay at sabik na siyang harapin kasama ito ang panibagong yugto ng kanilang relasyon.

--Ads--

Magkasintahan sina Carlos at Chloe mula pa noong 2020 at nanatiling matatag ang kanilang relasyon sa kabila ng mga hamon at kontrobersiyang kanilang hinarap sa mga nagdaang taon.