--Ads--

Hindi naitayo ang 9,450 o 66 porsyento ng 14,267 classrooms na pinondohan ng Department of Education o DepEd mula 2021 hanggang 2025, ayon sa Commission on Audit o COA.

Sa annual audit report ng COA, sinabi nitong 4,817 classrooms lamang o 34 porsyento ng target ang nakumpleto sa loob ng limang taon.

Inilipat ng DepEd sa Department of Public Works and Highways o DPWH ang implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund o BEFF.

Kabilang sa mga dahilan ng pagkaantala ang site-related issues, pagbabago sa proyekto, mabagal na approval, kawalan ng titulo sa ilang school sites at iba pang kakulangan sa programa.

--Ads--

Ibinabala rin ng COA ang ilang non-existent, abandoned at materially incomplete infrastructure projects sa Davao del Norte na nagkakahalaga ng mahigit ₱83.2 milyon.

Sa Kamingawan Elementary School sa Talaingod, isang classroom building na halos 98.8 porsyento nang bayad ang natukoy na non-existent. Sa Dugayan National High School naman sa Kapalong, halos 98.9 porsyento nang bayad ang proyekto ngunit structural frame lamang ang nakumpleto.