--Ads--

Anim na tripulante ang nasawi at isa ang sugatan matapos bumagsak ang isang Russian Tu-95 strategic bomber habang nagsasagawa ng training flight sa Amur Region sa Russian Far East nitong Setyembre 29.

Ayon sa Russian Defense Ministry, bumagsak ang eroplano sa isang hindi tirahang lugar malapit sa nayon ng Krasnoyarovo.

Sinabi ng ahensya na walang dalang anumang bala o armas ang sasakyang panghimpapawid nang mangyari ang insidente.

Iniulat din na sinubukan ng mga tripulante na ilihis ang eroplano palayo sa mga residential area bago ito tuluyang bumagsak.

--Ads--

Isinugod naman sa pagamutan ang isang nakaligtas na tripulante.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng pagbagsak. Isa sa mga paunang tinitingnang posibilidad ang pagsabog ng gasolina, ngunit wala pang opisyal na kumpirmasyon hinggil dito.