--Ads--

Mariing itinanggi ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang alegasyong nagbigay umano ang China ng pondo sa isang partikular na political faction sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng embahada, sinabi nitong gawa-gawa at maling impormasyon ang mga paratang na ikinakalat umano ng ilang Pilipinong pulitiko kaugnay ng umano’y pagpopondo ng China sa isang grupong pampulitika.

Kinondena rin ng embahada ang umano’y pag-uugnay sa kanilang website bilang redirect destination ng naturang alegasyon.

Nanawagan ang Chinese Embassy sa mga sangkot na itigil ang anila’y political manipulation at huwag idamay ang relasyon ng Pilipinas at China sa usaping pulitika sa loob ng bansa.

--Ads--

Ayon pa sa embahada, mabibigo lamang umano ang mga pagtatangkang makakuha ng personal na pakinabang sa politika sa pamamagitan ng paninira sa China at sa imahe nito.

Iginiit din ng Chinese Embassy na nakahanda itong gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang lehitimong interes at dignidad nito.