--Ads--

Maagang nagtapos ang kampanya nina Alex Eala at Zeynep Sonmez ng Turkiye sa tennis doubles ng Wuhan Open sa China matapos silang matalo sa first round nitong Martes ng gabi.

Tinalo sina Eala at Sonmez ng Ukrainian pair na sina Dayana Yastremska at Anhelina Kalinina sa straight sets, 2-6, 3-6, sa round of 32.

Kasunod ito ng pagkatalo ni Eala sa singles event laban sa Chinese qualifier na si Shi Han, na nasa ika-217 puwesto sa world rankings, sa tatlong sets na 6-4, 3-6, 3-6 noong Lunes ng gabi.

Sa kabila ng magandang kampanya ngayong 2026, kabilang ang pagkamit ng kaniyang unang WTA title sa Washington Open noong Agosto, nakaranas ang 21-anyos na Filipina ng sunod-sunod na pagkatalo sa kaniyang mga huling laban.

--Ads--

Umaasa si Eala na makabawi sa WTA 500 Ningbo Open sa China na nakatakda sa huling bahagi ng buwang ito.