--Ads--

Ipinauubaya ng Malacañang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtukoy sa mga hakbang upang tugunan ang paghina ng piso matapos umabot sa record low na ₱63.23 kada dolyar nitong Biyernes.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, patuloy namang naghahanap ng paraan ang administrasyon upang maibsan ang epekto nito sa mga mamamayan at ekonomiya.

Kabilang sa mga posibleng salik sa paghina ng piso ang krisis sa Middle East, epekto ng El Niño sa agrikultura at pangisdaan, at kawalan ng katiyakang pulitikal sa bansa.

Samantala, inaasahang mananatiling mahina at pabagu-bago ang piso sa mga susunod na linggo, habang hinihintay ng mga mamumuhunan ang mga pulong ng BSP at US Federal Reserve sa huling bahagi ng Oktubre. 

--Ads--