--Ads--
Pinaigting ng Barangay Tagaran sa Cauayan City ang pagbabantay sa mga lugar na madalas gawing tapunan ng basura upang maiwasan ang pagkalat nito sa komunidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Daniel Acob, sinabi niyang regular ang kanilang inspeksyon at pagbabantay mula umaga hanggang gabi upang matukoy ang mga nagtatapon ng basura sa mga hindi awtorisadong lugar.
Ayon kay Acob, dagdag na pasanin sa barangay ang pagtatapon ng malalaking basura dahil nangangailangan ito ng dagdag na tao, oras at resources para sa paglilinis.
Pinaalalahanan naman ang mga residente na gamitin ang tamang lugar para sa pagtatapon ng basura at agad makipag-ugnayan sa barangay kung may makikitang lumalabag.
--Ads--











