--Ads--

Bumagsak sa panibagong record low na ₱63.36 kada dolyar ang halaga ng piso nitong Miyerkules, Oktubre 21, bago ang nakatakdang interest rate meeting ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa datos ng Bankers Association of the Philippines, nahigitan nito ang dating record low na ₱63.23 na naitala noong Oktubre 16.

Inaasahan naman ng 20 ekonomistang na muling magtataas ng interest rate ang BSP sa pulong nito ngayong araw ng Oktubre 22. Labingwalo sa kanila ang nagtaya ng 0.25 percentage point na dagdag, habang dalawa ang umaasa sa 0.50 percentage point na pagtaas.

Nasa limang porsiyento ang kasalukuyang benchmark interest rate ng BSP, na nakaaapekto sa interes sa mga pautang. Mula Abril, nagtaas na ang bangko sentral ng kabuuang 0.75 percentage point sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa sigalot sa Middle East.

--Ads--