--Ads--

Itinanggi ni dating Bangsamoro parliament member Edrieza Hadji Nasser Rimbang ang umano’y pagkakasangkot sa tangkang pagpupuslit ng ₱3.5 bilyong halaga ng ilegal na droga mula Laos patungong Pilipinas.

Sa pahayag sa social media, sinabi ni Rimbang na walang katotohanan ang mga alegasyon at wala siyang nakipag-ugnayan sa sinumang opisyal o indibidwal upang magdala ng ilegal na kargamento sa bansa.

Noong nakaraang linggo, tinukoy ni Interior Secretary Jonvic Remulla si Rimbang bilang umano’y financier ng operasyon. Samantala, naglabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng subpoena para sa 11 person of interest kaugnay ng kaso.

Hiniling din ni Rimbang sa pamahalaan na huwag ilantad sa social media ang pangalan at mga larawan ng kaniyang pamilya, dahil naaapektuhan na umano ang mga ito ng kontrobersiya.

--Ads--