--Ads--

Umalis na sa Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa bandang alas-2:30 kaninang madaling araw, ayon sa isang senador at sa impormasyon mula sa Secretariat.

Naulat ang pag-alis ni Dela Rosa ilang oras matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng gusali ng Senado nitong Miyerkules ng gabi.

Itinanggi naman ng legal counsel ng senador na si Israelito Torreon ang mga paratang na ang insidente ay ginawang diversion upang makatakas si Dela Rosa, at nagpakita pa umano ng mga larawan at video na kuha sa loob ng Senado bandang alas-12:13 ng madaling araw.

Si Dela Rosa ay may nakabinbing arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y papel nito sa war on drugs noong administrasyong Duterte.

--Ads--