--Ads--

Masayang kinumpirma ng aktor na si Zaijian Jaranilla na mahigit isang taon na silang magkarelasyon ng aktres na si Gela Atayde.

Sinabi ni Zaijian na masaya sila ni Gela at tumagal na ng humigit-kumulang isang taon at kalahati ang kanilang relasyon.

Ayon sa aktor, wala siyang nakikitang problema sa pagiging low-key ng kanilang relasyon at hindi nangangahulugang may itinatago sila sa publiko.

Ipinaliwanag din ni Zaijian na bilang mga public figure, hindi nangangahulugang pag-aari na sila ng ibang tao o kailangan nilang ibahagi sa social media ang lahat ng nangyayari sa kanilang buhay.

--Ads--

Dagdag pa niya, nais lamang nilang mapanatili ang privacy at maging ligtas na espasyo ang kanilang relasyon, lalo na sa gitna ng mga mapanghusgang komento at pagpapakalat ng kung anu-anong impormasyon sa social media.

Matatandaang noong Agosto 23, ibinahagi ni Gela ang mga larawan nila ni Zaijian bilang pagbati sa kaarawan ng aktor, kalakip ang mensaheng tinawag siyang “Sungit” at nagpahayag ng pagmamahal dito.